Weblog

Sunday, 18 January 2009

  • random lists: the comeback

    There are a lot of things going in my mind right now. So I'd better list them down, like before. :)


    1. Ang dami kong gagawin. They are lined up. Philo long test, History report, History project, Microbio Lec quiz, CellMol Lec project, Cell Mol Lab report, Microbio Lab report, Choir stuff, more Choir stuff and lots more ACMG Core stuff. Sa dami niyan, ang normal na tao, sisimulan na iyan. Pero hindi ako normal. Heto ako at buma-blog. Pero kaya ako buma-blog ay dahil dito: habang nakapila silang lahat, nakakarandam ako ng isang nakakawindang na pagkabahala. Nausea nga, ayon kay Roquentin sa kwento ni Ginoong Sartre.

    2. Habang may Nausea, hindi ko naman magawang gawin na itong lahat. May pumipigil. Katamaran ba? Hindi naman. Demonyo ba? Sana umuwi ka na sa Impyerno.

    3. Di ko ata magagawa itong Philo long test na ito e. I never really catch the essence of everything. Siguro kahit na magmuni ako ng isang taon o mahigit, di ko pa rin makukuhang makagawa ng isang maayos na papel sa Philo. Hindi na ako magugulat kung ang isusulat ulit ni Sir ay "Kailangan pa ng pagmumuni." Sadyang hindi ganoon ka-"hinog" ang aking pagmumuni. Malay ko ba sa kanila. Pero kahit na ganun, nagdarasal pa rin ako na sana umayos na to.

    4. Wala akong balak matulog ngayong gabi.

    5. Ang dami kong ginagawang rules para sa sarili ko. "Gagawin ko ito, sa oras na ganito, sa lugar na ganiyan." May posibilidad siguro na sinasakal ko na ang sarili ko. Tingin mo?

    6. Mantra for tonight: Dahan-dahan, konti-konti. Matatapos ka rin! Seems too optimistic for someone like me. Boo.

    7. Kailangan ko nang magsimula.

    8. Ayoko pa.

    9. Ang bigat ng pakiramdam ng hindi pa nagagawa tong lahat. Na ngayon ko pa lang ito gagawin.

    10. Sa susunod, ayaw ko nang mag-cram ng ganito.

    11. Kung siguro hindi kami umuwi ng Pampanga, nagawa ko ito.

    12. Okay. Nagrarason na lang me. Gagawin ko na talaga.

    13. Kavanaugh, Skinner, Sartre, Maslow, Levinas: here I come, Kite Runner style! >.<

    14. Can't breathe. Nakakasakal.



    Wooooo. Hinga, hinga, hinga.

Sunday, 21 December 2008

  • Longing

    I long for love.

    Probably because it's Christmas. My first ever thing with another person was during Christmas. He told me he liked me when the clock struck 12, December 25. So Christmas season, is my love season. I want to experience the same thing I experienced five years ago, during Christmas. Ureshikata desu yo! Totemo, totemo, totemo ureshi kata desu.

    Or probably, because there are people around me I consider subjects of my longing. Like this guy, and that guy. I know that those guys and me probably would never happen, but, because hope buds in my heart, I can imagine myself with them. Even if it's impossible. Mere fantasies, they are.

    I long for love. And it sucks. Because I know, love will not come. Not anytime soon anyway.

Wednesday, 14 May 2008

  • Batang 90's

    Kahit sobrang nakakahiya yung iba, friends, inaamin ko: Batang Dekada 90 ako!

    61 signs you're a kid of the 90s in the Philippines. (from Ate Maui, from Ate Eds)

    1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. (Hindi ako nakapag-tex nun. Pero bumili pa rin ako. XD)

    2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun. (OO nga! Gustong-gusto ko yung comics na yun. BInabasa ko muna yun bago ko kainin yung gum. Haha!)

    3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. (Uy, di naman ako ganun katanda. Haha!)

    4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

    5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.

    6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.

    7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.

    8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (Meron din ako nito!)

    9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.

    10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin. (Totoo? Wala nang siesta ngayon?)

    11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. (Uy, sobra naman yun.)

    12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito) (Oo, siyet. Orig pa, mhen!)

    13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (Haha! Meron ako nito, kaso wala na si Polly. Yung restaurant na lang yung naiwan.)

    14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (Haha. Nanganganak nga raw yun. Naniwala naman ako. HAHA)

    15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

    16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. (Wala na ba nito ngayon?)

    17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.

    18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. (Naranasan ko tong lahat!)

    19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. (Di rin. Pang-hapon ako nun e. At simula pa nung bata ako, late na ako pumasok, sooooo... yah. Haha!)

    20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". pag inisip mo to ngayon matatawa ka na lng kasi ang babaw mo pala dati... hahaha....

    21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. (Nagkaganito ako once. Nasira rin kagad!)

    22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. (WAH. Bulok. May sariling notebook grade school ko!)

    23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

    24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. (Baby-G! Haha. Blue yung akin. E yung iyo?)

    25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (Lagi naming pinapakialaman yung pager ni Mama dati. Nagpepage pa kami nun. Haha! Pero di ko naman pinangarap magkaroon nun.)

    26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon. (Merong phone si Mama dati. Pagchina-charge, nakatayo siya dapat. Tapos para siyang wireless phone. May antenna pang ineextend!)

    27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.

    28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection. (Meron kaming Computer, Nintendo, Tamagochi, at isang Troll na naglalagas ang buhok.)

    29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". (Kinakanta ko na sa utak ko!)

    30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

    31. Sumasayaw ka ng Macarena. (HAHAHAHA.)

    32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (Oo! Sobrang na-memorize ko lahat ng kanta nila dun sa isang album nila. Alin na nga yun?)

    33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.

    34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

    35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

    36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

    37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

    38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad. (HAHAHA!)

    39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. (Ay, jusko. Araw-araw ata, umuuwi ako para lang dun. XD)

    40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...",
    "...Kontra Bulate!"

    41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

    42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. (Syempre! Isama mo pa si Heidi at Little Women!)

    43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

    44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon. (Doobadidi dididum dididoom! 4:30 na! ANG TV na!)

    45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

    46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

    47. Napanood mo ang Batang X.

    48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (Ay, siyet. Guilty!)

    49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles". (Buong pamilya kami nanonood nito!)

    50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. (HAHAHA! Ang taray ni Gladys e!)

    51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

    52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. (Natatawa na lang ako!)

    53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat." (HAHAHA! Truuueee!)

    54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy". (Haha! OO.)

    55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay. (Uy, talaga? Di ko na alam to ha.)

    56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (Oo naman. 2k bug!)

    57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

    58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

    59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." (In fairness, nakiiyak din ako nun.)

    60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (OO. Yung Spice World namin na VHS, gumagana pa!)

    61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. (Ew, no.)

Wednesday, 16 January 2008

  • I'd do anything...

    ..to memorize the things I have to remember for my Histology Lecture long test tomorrow. I'd even dance and jump up and down around my room just to memorize the cells found in the sub-intima and intima of the synovium, lining the joint capsule in articular cartilage (i.e. fibroblasts, macrophages, mast cells, lymphocyte, dendritic cells for the sub-intima, and fibroblasts and macrophages for the intima).

    Yehey! Memorize ko na! Whoopee!

    One down, lots more to go. Goooo IRIS!

Sunday, 18 November 2007

  • i'm so tired.

    Pagod na pagod na talaga ako. As in kailangan ko ng isa pang sembreak. Kahit nagsisimula pa lang itong sem na ito. Haha.

    Nakakapagod ang acads. Alam kong patikim pa lang itong linggong ito, pero pagod na ako. Biruin mo yun? Kung patikim to, ano na kung yung buong kaldero ng bawat putahe ang ipakain sa iyo? Buti sana kung mabubusog ka. Lalo ka lang napagod. Tae. Tae talaga.

    Isa-isahin natin. Sa Psych, okay okay pa naman. Nakakatuwa nga yung teacher namin. Ang cute niya. Napaka-ayos niyang magsalita. She can put ideas well into words, and I very much appreciate it. Sa OrgChem Lec, hmm. Okay pa rin naman. Ata. Nagsimula kasi kami sa Chem 7 lecture material. E nakalimutan ko na. Lolz. Plus ang daming babasahin. Kulang ako sa oras. Nakakapagod pang balikan yung mga kailangang i-review. Sa PE, well. PE is PE. (Oh, shucks. Kailangan ko palang mag-ayos ng gamit para sa PE bukas. Wahaha!) Sa SA, HAHA. Ang funny ng teacher naming bading. I love it. Kaso, kasisimula pa lang ng semester, napa-cut na ako sa kanya. Muzta. Hahaha. Sa Jap naman, grabe. Ang hirap pa lang magsulat ng Hapon. Hahaha. Ang hirap magmemorize ng Japanese Syllabery. Kastress, mhen. Hahaha. Otherwise, I have fun in Jap. Except that I have a classmate who seems to know all that our professor teaches us. I'm glad she's transferring to Intermediate Jap. Medyo nakakababa ng self-esteem eh. Parang ang bobo-bobo mo kasi. Haha. Sa Histology Lec naman, di talaga namin inaasahan na si Ma'am Else ulit teacher namin. Haha. Pero okay pa naman siya ngayon. Parang mas maganda na siguro na siya rin ang teacher namin. Parang mas fun kasi interesado rin siya sa tinuturo niya. You can see it in how her eyes sparkle, especially that moment when she showed us her dissertation and the rat ovary specimen thingy. Haha. Ang cool talaga. OrgChem Lab is hell. Well, parang... whuuut. Mas demanding siya kaysa sa Ch 12. Nakakatakot. Anyway, first lab experiment namin sa Tuesday. Tingnan natin kung anong magiging kalalabasan niya. Haha. Aaaaaand, last, Histology Lab. Si Sir Balolong teacher namin. Hmmm. Well, we'll see na rin. Pero parang okay na rin. Hehehe. :D

    Kung nakakapagod ang acads, mas nakakapagod naman ang org life. Haha. Sobrang draining na parang mamamatay ka na. Actually, nakamamatay talaga siya. Haha. Parang, mass dito, mass doon, Taize naman bukas, pagkatapos ng wedding kanina. Sa susunod na araw, caroling practice na. Grabe. Nakamamatay nga. Pero mas mamamatay ako kung wala ito. Wala itong kapalit.

    *Wag mong naising lisanin kita. Wala akong hangaring ika'y mag-isa.*

Top Tags - Weblog

[no tags]