Sunday, 18 November 2007

  • i'm so tired.

    Pagod na pagod na talaga ako. As in kailangan ko ng isa pang sembreak. Kahit nagsisimula pa lang itong sem na ito. Haha.

    Nakakapagod ang acads. Alam kong patikim pa lang itong linggong ito, pero pagod na ako. Biruin mo yun? Kung patikim to, ano na kung yung buong kaldero ng bawat putahe ang ipakain sa iyo? Buti sana kung mabubusog ka. Lalo ka lang napagod. Tae. Tae talaga.

    Isa-isahin natin. Sa Psych, okay okay pa naman. Nakakatuwa nga yung teacher namin. Ang cute niya. Napaka-ayos niyang magsalita. She can put ideas well into words, and I very much appreciate it. Sa OrgChem Lec, hmm. Okay pa rin naman. Ata. Nagsimula kasi kami sa Chem 7 lecture material. E nakalimutan ko na. Lolz. Plus ang daming babasahin. Kulang ako sa oras. Nakakapagod pang balikan yung mga kailangang i-review. Sa PE, well. PE is PE. (Oh, shucks. Kailangan ko palang mag-ayos ng gamit para sa PE bukas. Wahaha!) Sa SA, HAHA. Ang funny ng teacher naming bading. I love it. Kaso, kasisimula pa lang ng semester, napa-cut na ako sa kanya. Muzta. Hahaha. Sa Jap naman, grabe. Ang hirap pa lang magsulat ng Hapon. Hahaha. Ang hirap magmemorize ng Japanese Syllabery. Kastress, mhen. Hahaha. Otherwise, I have fun in Jap. Except that I have a classmate who seems to know all that our professor teaches us. I'm glad she's transferring to Intermediate Jap. Medyo nakakababa ng self-esteem eh. Parang ang bobo-bobo mo kasi. Haha. Sa Histology Lec naman, di talaga namin inaasahan na si Ma'am Else ulit teacher namin. Haha. Pero okay pa naman siya ngayon. Parang mas maganda na siguro na siya rin ang teacher namin. Parang mas fun kasi interesado rin siya sa tinuturo niya. You can see it in how her eyes sparkle, especially that moment when she showed us her dissertation and the rat ovary specimen thingy. Haha. Ang cool talaga. OrgChem Lab is hell. Well, parang... whuuut. Mas demanding siya kaysa sa Ch 12. Nakakatakot. Anyway, first lab experiment namin sa Tuesday. Tingnan natin kung anong magiging kalalabasan niya. Haha. Aaaaaand, last, Histology Lab. Si Sir Balolong teacher namin. Hmmm. Well, we'll see na rin. Pero parang okay na rin. Hehehe. :D

    Kung nakakapagod ang acads, mas nakakapagod naman ang org life. Haha. Sobrang draining na parang mamamatay ka na. Actually, nakamamatay talaga siya. Haha. Parang, mass dito, mass doon, Taize naman bukas, pagkatapos ng wedding kanina. Sa susunod na araw, caroling practice na. Grabe. Nakamamatay nga. Pero mas mamamatay ako kung wala ito. Wala itong kapalit.

    *Wag mong naising lisanin kita. Wala akong hangaring ika'y mag-isa.*
  • Choose Identity

  • Give eProps (?)

  • New! You can now edit your comments for 15 minutes after submitting.

Who recommended?