There are a lot of things going in my mind right now. So I'd better list them down, like before. :)
1. Ang dami kong gagawin. They are lined up. Philo long test, History report, History project, Microbio Lec quiz, CellMol Lec project, Cell Mol Lab report, Microbio Lab report, Choir stuff, more Choir stuff and lots more ACMG Core stuff. Sa dami niyan, ang normal na tao, sisimulan na iyan. Pero hindi ako normal. Heto ako at buma-blog. Pero kaya ako buma-blog ay dahil dito: habang nakapila silang lahat, nakakarandam ako ng isang nakakawindang na pagkabahala. Nausea nga, ayon kay Roquentin sa kwento ni Ginoong Sartre.
2. Habang may Nausea, hindi ko naman magawang gawin na itong lahat. May pumipigil. Katamaran ba? Hindi naman. Demonyo ba? Sana umuwi ka na sa Impyerno.
3. Di ko ata magagawa itong Philo long test na ito e. I never really catch the essence of everything. Siguro kahit na magmuni ako ng isang taon o mahigit, di ko pa rin makukuhang makagawa ng isang maayos na papel sa Philo. Hindi na ako magugulat kung ang isusulat ulit ni Sir ay "Kailangan pa ng pagmumuni." Sadyang hindi ganoon ka-"hinog" ang aking pagmumuni. Malay ko ba sa kanila. Pero kahit na ganun, nagdarasal pa rin ako na sana umayos na to.
4. Wala akong balak matulog ngayong gabi.
5. Ang dami kong ginagawang rules para sa sarili ko. "Gagawin ko ito, sa oras na ganito, sa lugar na ganiyan." May posibilidad siguro na sinasakal ko na ang sarili ko. Tingin mo?
6. Mantra for tonight: Dahan-dahan, konti-konti. Matatapos ka rin! Seems too optimistic for someone like me. Boo.
7. Kailangan ko nang magsimula.
8. Ayoko pa.
9. Ang bigat ng pakiramdam ng hindi pa nagagawa tong lahat. Na ngayon ko pa lang ito gagawin.
10. Sa susunod, ayaw ko nang mag-cram ng ganito.
11. Kung siguro hindi kami umuwi ng Pampanga, nagawa ko ito.
12. Okay. Nagrarason na lang me. Gagawin ko na talaga.
13. Kavanaugh, Skinner, Sartre, Maslow, Levinas: here I come, Kite Runner style! >.<
14. Can't breathe. Nakakasakal.
Wooooo. Hinga, hinga, hinga.
Post a Comment